Linggo, Enero 20, 2013

Prince and I

Diary 4


Pagkatapos ng isang problema ay problema na naman. Nawala at nahanap nga si Bam-bam, may bad news namang dumating sa buhay ko. Ngayon, ang kapatid niya naman  ang nawawala. Si Pepe.


Isang brown and white shitzu na may blue ribbon na nakatali na balahibo nito sa ulo at dogtag kung saan nakalagay ang kanyang pangalan.


Pagpasok ko sa bahay, pinagalitan na ako ni mama dahil sa nangyari.


"Yan naman kasi, Sam. Napaka-careless mo. Sa palagay mo, makakalabas ba ng bahay sina Bam-bam at Pepe kung walang nagbukas ng gate? At sino ba ang umuwi kanina dito, ha? Eh, ikaw lang naman, di ba?" simula pa lang ito ng sermon niya.


Gusto ko na sanang magsalita at ipagtanggol ang sarili ko kung di ko lang alam ang susunod na pwedeng mangyari.


Kahit ano pa kasi ang sasabihin ko, isa pa rin ang magiging resulta.


Ako pa rin ang magmumukhang masama kahit balikbaliktarin ko pa ang bahay na ito.



"Ano pang tinitunganga mo diyan, ha? Umalis ka na at hanapin mo na ngayon si Pepe. At huwag na huwag kang uuwi dito na wala siya. Naiintindihan mo? Ha?" Sabi naman ni Ate Lira sa akin.


Kahit unting-unti na akong nagagalit sa mga taong 'to, mas umiiral pa rin pa rin ang sakit sa tinaga kong puso.


Ang sakit talaga nilang magsalita kahit kailan. Tsss......


Lumabas na ako ng bahay bago pa tumulo ang luha sa aking mga mata.


.....................................................................................................................................................................



Whooooooosssssshhhhhhhhhh.....................................


"Whoo...grabe....ang lamig naman." tumingala ako sa langit. "Hmmm...parang uulan pa yata, ah."


Hindi ko na inintindi pa ang lamig ng hangin at paparating na masamang panahon. Sa halip ay patuloy na lang akong naglakad sa madilim na daan ng Aniver Street.


Whoooooooosssssshhhhhhhh........................................


"Urgh. Ano ba naman yan." nagpatuloy pa rin ako sa paghahanap kay Pepe.


"Saan na kaya nagsususuot ang asong yun?" hinanap ko siya sa mga halamanan, sa bawat butas na pwede niyang pagtaguan sa p[agitan ng mga bonsai at kahit na mga kapitbahay namin ay pinagtatanungan ko na. Pero halos lahat sila ay walang nakitang isang shitzu.

Buti sana kung malaki si Pepe eh. Kaya lang....wala na akong magagawa dahil ganun talaga ang mga lahi ng mga shitzu. Maliliit in nature.


Hmmm...sandali lang...nasaan na nga pala ako..? Parang madilim na ang parteng 'to ah.


Kagaya ng sinabi ko, nasa madilim na ako ng parte ng aming street, sa aking palagay.


Puro empty lot na ang mga nandito. Punong-puno nang mga malalaki't matataas na puno. Tapos may mga uwak pang nakikisali sa eksena. Samahan pa naman ng pumapatay-sindi na poste. Kainis! Tapos may creeping meow pa ng isang itim na pusa sa daan!


Ahhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!



Note: Hindi talaga ako sumigaw sa scene na ito. Hehe...nasa mind ko lang ang mga reaction na yun. Ayoko lang na magmukhang matatakutin. Masama na't may makakita pa.


.....................................................................................................................................................................


Hindi ko na masyadong inintindi ang mga nakakatakot na bagay na iyon.


Hanggang sa..........................................................may naririnig na akong mga yapak na para bang........nakasunod sa akin.


Nagsimula lang ang pakiramdam na ito ng pagkatapos kong dumaan sa puno ng Balete sa isang empty, at malapad, nakakatakot na lot.


Whoooooshhhhhh...............................................


Hayan....humangin na naman ng pagkalakas-lakas!


At naririnig ko na naman ang mga yapak ng paa na papalapit na sa aking likuran.


>_< Whaaaaa..............help. Ayoko ko na dito..!


Sa sobrang takot ko ay tumakbo ako ng walang pake sa aking dinadaanan.


Madilim ang paligid at wala akong ni isang ilaw na makita.


Hanggang sa.........................................................................................................................................


BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPP!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!


Lumingon ako at lumantad sa aking paningin ang isang malaking truck na babangga na sa akin.


....................................................................................................................................................................



3 seconds......................................sa loob ng 3 seconds.....wala akong naalala sa kung anong nangyari sakin.



Hirap akong huminga sa pagkakataong yun at sumasakit ng todo ang aking ulo ngunit pinilit ko pa ring umalat ang aking mga mata.


At sa pagkakataong iyon, napatanong ako....


"Patay na ba ako...?"


At sa hindi inaasahang pagkakataon, may sumagot sa aking tanong.


"Huminahon ka, Arianne. Don't worry...ililigtas kita."


Hmmm....? Boses ng isang lalaki ang aking narinig. Ngunit hindi ko makilala kung sino ito.


Sinubukan ko siyang tignan at kilalanin, ngunit bago ko pa magawa iyon ay nawalan na ako ng malay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento