Martes, Enero 15, 2013
Prince and I: Chapter 2
Diary 2
Tulad pa rin ng dati, ganun pa rin ang ginagawa ko tuwing umaga: gumigising ng 6 a.m., at gumagawa ng mga gawaing bahay bago pumasok sa school. Hay...minsan naiisip ko ng nakakasawa na 'to pero parang nasanay na ako kaya, okay na lang.
Di tulad kahapon, ang araw na ito ay parang kakaiba. Yung tipong...kakaiba talaga.
Habang naglalakad ako papuntang school, may nakita akong isang pusa sa itaas ng isang puno.
"Meow. Meow." Yun yung sabi niya. Alam kongmagkaiba kami ng language pero feeling ko...at feeling ko lang naman...gusto niyang tulungan ko siya. Kaya naman lumapit ako sa puno na malapit sa playground ng school at sinubukan kong iabot ang kamay ko sa kanya.
Malapit ko na talaga siyang maabot sa pagkakataong yun kung di niya lang sinugatan ang kamay ko. Napa-aray ako siyempre. Masakit pa din naman yun, noh.
At kahit nga dumurugo na yung sugat ko, sinubukan ko pa rin na iligtas siya. Yung nga lang mas lumayo na siya ngayon kesa sa kinaroroonan niya. Nasa masmataas na parte na kasi siya ng punong iyon.
"Hay. Pambihirang pusa naman ito oh. Pasalamat kang may malasakit pa ako sayo ha." Sabi ko sa kanya.
Huwag ka ng magreact. Alam ko namang hindi niya ako naiintindihan eh. Pero gusto ko pa din siyang kausap.
"Meow. Meow. Meow." Hayan. Nagsimula na naman siyang magmakaawa.
Tinignan kong mabuti ang puno at doon ay nalaman kong kaya ko pala itong akyatin. Kaya siyempre, sinubukan ko ito.
Buti nalang at wala pang masyadong tao dito at hindi ako nakapalda kundi pahiya to-the-max na naman yung peg ko. Hay...
Here, magka-level na kaming dalawa. Napatingin ako sa ibaba bigla, "Shockz. Nakakalula naman. Ng dahil sa pusang 'to nakalimutan kong may phobia pala ako sa heights!"
Urgh! Okay! Kaya mo yan, Samantha! Relax lang at huwag titingin sa baba.
Pumikit ako sandali at nilakasan pa ang loob ko.
Ngayon, isang abot ko nalang yung pusa.
Kukunin ko na siya ng--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
tumalon pa siya pababa ng puno! O_O
Whaaa! ~_~ nakalimutan kong flexible talaga ang mga pusa at kahit mamatay pa siya ngayon, mabubuhay pa rin siya dahil may nine (9) lives sila.
Hay! Kapag minamalas ka nga naman oh. Talagang malas talaga! Paano na ngayon niyan? Hindi ko alam bumaba.
Ayokong kabahan ngunit wala na akong magagawa pa dahil kinakabahan na talaga ako ng sobra!
Napagdesisyonan ko ng tumalon nalang pero nanalo talaga yung kaba sa akin.
Suicidal peg na sana ako kung di ko narinig na may tumawag sa akin sa baba.
Hindi agad ako napatingin dahil nga sa phobia ko. Pero ng mukha ng pamilyar ang boses ng tumatawag, napatingin nalang ako.
Si Dealan lang pala. Suot-suot na naman yung nerdy eyeglasses niya.
"Oi. Samantha! Anong ginagawa mo diyan ha? Bumaba ka na nga diyan." Sigaw niya sa akin.
Kung alam lang ng lalaking ito na kanina ko pang gustong bumaba noh.
"Tulong naman! Hindi ko kasi alam bumaba eh!" Sagot ko sa kanya.
"Ano?"
Hay...bingi...=_=
"Ang sabi ko, tulungan mo akong makababa!"
"Ah! Okay! Sandali lang!"
Umalis siya? Teka, naiintindihan niya kaya ako? Naku naman...
Maya-maya, bumalik na siya dala ang isang lumang ladder na sa tingin ko ay kinuha pa niya sa storage room.
Inilagay na niya ito sa puno,
"Bumaba ka na. Mag-ingat ka ha." sabi niya.
Hmmm...mabait din naman siya ha. haha...Nerd nga lang.
"Salamat." at nagsimula na akong bumaba.
Ng malapit na ang paa ko sa lupa, at approximately 1 ruler distance, naputol yung naapakan kong parte ng ladder.
Madadagdagan na naman sana yung sugat ko kung di dahil kay Dealan.
Sinalo niya ko at dito, bumagsak kaming dalawa sa damuhan. Gamit ang kanyang likod ay naprotektahan niya ako mula sa matinding pressure na pwede kong makuha mula sa pagkabagsak.
Bumangon ako at tinanong ang kalagayan niya.
"Dealan. Okay ka lang ba ha?"
"Haha. Okay pa naman. Buhay pa naman ako." sabi niya habang tumatayo.
Then he smiled.
I did the same.
At lumapit ako sa kanya.
Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat at dahil dito, napatawa ako.
"Hahaha...huwag ka ngang malisyoso. napansin ko kasing may dumi yung likod mo eh."
"A...ah...hehe. Sa susunod pwede bang magsabi ka muna bago mo gawin yun? Nakakagulat ka kasi eh."
"Hm?"
Eh ano naman ang nakakagulat dun?
"Okay. Sorry. :D Sige, ayos na. Pasok na tayo?"
"Ah. Okay."
At pumasok na kaming dalawa sa 1st period class namin.
This time: HISTORY.
For sure makakatulog na naman si Dealan nito.
At ako, alam ko na ang gagawin ko kapag nangyari yun. =D
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Habang nagkaklase....hindi nga ako nagkamali.........nakatulog na naman kasi si Dealan.
Hay....subukan ko kayang i-suggest sa lalaking 'to na bawas-bawasan niya na muna yung magko-computer niya?
Hmmmmmmmmm.............................................................................................................................................................................
"Oi, Sam." tawag ng katabi ko.
"Ah. Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Huwag mo masyadong tignan ng ganyan si Dealan. Baka matunaw yan. Sige ka. Haha."
Ha? A....ano? Ka...kanina pa ba ako nakatingin sa kanya...? hay....nakakahiya!
>///////_//////
"Ah---hay...huwag ka ngang masyadong malisyoso diyan. Hindi naman iya yung tinitignan ko noh."
"Eh di kung ganun...sino?"
"Yung sahig."
"Uy. Wow. So.....tatawa na ba ako?"
"Bahala ka."
At dito...tinigilan niya na ang pang-aasar sa akin.
Hay buti naman.
Teka...............nakalimutan kong gisingin si Dealan....
"Pssst. Dealan..."
Inalog ko yung balikat niya....
"Dealan..."
At inulit ko na naman yun......
"Hmmm...? A...ah. Bakit ?" Sa wakas, nagising na din siya.
"Good morning...? haha...kung ako sayo hindi na ako matutulog ngayon. Baka mapagalitan ka na naman kasi eh."
"Ah...haha...tama ka. Hindi ko lang kasi maiwasan eh. Inaantok lang kasi talaga ako."
"Eh ano ba naman kasi yung ginagawa mo ha? Ba't palagi ka nalang inaantok?"
"Ah...kasi....ano...."
Ba't di kaya siya makasagot...?
"Ahmmm...may personal business kasi akong ginagawa eh."
Tulad ng....computer games...?
Hindi ko na 'to sinabi dahil ayokong ma-offend siya.
"Ah...okay." Sabi ko sa kanya.
Thank God hindi siya nakatulog sa oras na iyon. Hehe...
Maya-maya...........................................................dumating na ang pinakahihintay ng lahat!
RECESSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! weeeeeeee! hahaha.....
Tamang-tama...gutom na rin kasi ako eh.
Sa canteen...................................nagkasalubong kami ni Dealan.
"Oi, Sam. Anong bibilhin mo?" tanong niya sa akin.
"Ahm. Di ko nga alam eh."
"Hmm...paano kaya kung...ibili kita ng pizza?"
"Ha..? Pizza..? As in...libre mo..?"
"Haha...oo nga eh. Bayad ko na din sayo sa paggising sakin."
Naku...ang bait talaga. Haha..
"Okay. Sige. Ikaw ang bahala."
And here binilhan niya ako ng pagkalaking pizza! Mga isang buong serving plate siguro...hehehe....
Hay....kung ganito ang prize ko....hindi ako magsasawang gisingin ang lalaking 'to.
Swerte ko! :3
..........................................................................................................................................................................
Pagkatapos naming kumain, bumili muna ako ng chocolate drink.
30 seconds after, papabalik na ako sa mesa namin ni Dealan.
Habang naglalakad ako ng buong pag-iingat, bigla nalang may nakabangga sa akin, at tumilapon sa pink kong t-shirt ang chocolate drink.
"Urgh...naku naman... T_T"
"Yan kasi. Di tumitingin sa dinadaanan."
Lumingon ako sa aking tabi at doon ay nakita kong nakangisi ang lalaking kinaiinisan ko!
Si Hiro Souji.
"Hmp. Tumawa ka lang kung gusto mo. Kainis ka." Painis kong sabi sa kanya.
"Haha. Ang bitter mo naman, Sam. Sa pogi kong 'to kinaiinsan mo pa ako?"
"OO." Tinignan ko siya ng masakit at umalis. "Diyan ka na nga!"
Iniwan ko siya doong nakatayo. Hindi ako lumingon para tignan ang reaksyon niya dahil wala naman talaga akong pakialam.
Pagbalik ko sa mesa namin, nagulat ng husto si Dealan sa nangyari sa aking damit.
"So, anong gagawin mo diyan sa damit mo?"
"Uuwi nalang muna ako at magbibihis. So, okay lang ba kung umalis na ako ngayon...?"
"Siyempre naman. Mas importante ka eh. Sige, bilisan mo ha? May klase na kasi tayo mayamaya."
"Okay. Sige. Salamat."
At umalis na ako...
Hmmmmm.....ba't parang ibang Dealan na yung nakikita ko ngayon...?
Mabait...gentleman.....caring....................................................................
hay............................... -_- makauwi na nga!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento