Martes, Enero 15, 2013
Prince and I: Chapter 3
Diary 3
Pagdating ko sa bahay, agad akong nagbihis ng bagong damit. Buti na lang at wala ang mga masusungit kong mga kapatid at si mama dito sa bahay. Kung magkaganun, for sure mapapagalitan na naman ako at hindi na makakabalik pa sa klase ko.
Speaking of class, 5 minutes nalang pala ang natitira. Kailangan ko ng bilisan.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng bahay at isinara ang gate.
"Aw! Aw!"
Nakarinig ako ng isang tahol ng aso kaya napalingon ako sa pinanggagalingan ng tunog.
Anong....! At labis akong nagulat sa aking nakita.
Naku naman......nakalabas si Bam-Bam sa gate!
"Bam-Bam! Ba't nandito ka? Paano ka nakalabas?"
"Aw...?"
Ang mga mata niya....ay walang kaalam-alam sa mga sinasabi ko.
"Hay. Okay. Dito ka lang ha? Huwag kang aalis dito sa gate, okay? Babalikan kaagad kita."
Si Bam-Bam ay tatlong buwang puppy pa lang naman kaya kasya pa siya sa basket na nakita ko sa gilid ng gate.
"Dito ka lang ha?"
At umalis na ako papuntang school.
3 minutes na lang ang natitira.
Ng malapit na ako sa gate, may nangyaring di inaasahan.
Nakita ko nalang ulit si Bam-Bam na nasa tabi na pala ng aking paa.
"Ahhhh....... T_T. Bam-Bam, ba't ka sumunod...? No pets allowed dito sa school. Ano na ngayon ang gagawin ko sayo....? Naku naman oh."
Inaamin kong....malapit na talaga akong umiyak dahil sa sobrang kaba.
Kapag iiwan ko siya dito, baka mawala siya. Kung ipapasok ko naman siya sa school, mapa-file-an ako ng violation. Kung hindi naman ako papasok, sigurado ng mawawala ang scholarship ko. Terror pa naman kasi yung teacher sa sunod kong subject kaya bawal talaga akong umabsent...ahhhh....hindi ko na alam ang gagawin ko! >_
"Oi, Miss Tyokolate!"
Sinong...!
Urhg! Si Hiro na naman...!
"Bakit? -_-"
"Anong ginagawa mo dito sa labas? Magsisimula na ang klase mo ah."
"Ba't mo alam?"
"Hello? Ako kaya ang Student Council Vice President, noh. Malamang alam ko ang schedule ng mga ka-batch ko."
"Ah..." itinago ko nalang si Bam-Bam sa aking bag. Buti nalang at maliit talaga siya!^_^
"Sige! Alis na ako!" Pagpapa-alam ko kay Hiro.
Tumalikod ako at nagmamadaling maka-alis.
"Oi, Sandali." Sabi ni Hiro, "Hindi pwede ang mga alaga sa school, hindi ba?"
"A----------ah...? Heheh...ano bang...sinasabi mo...?" -_-"
"Yung aso sa bag mo..."
Hay! Kaya naman pala nakita siya ni Hiro eh. Nakalabas pala yung ulo niya sa bag ko! Kainis!!!!!
"Akin na ang aso na yan." Utos ni Hiro.
"A----ayoko!"
"Akin na...!"
"Ayoko nga sabi! Ang tigas ng ulo mo ah!"
"Bakit? Ang ulo mo ba malambot ha? Kainis ka rin noh? Akin na ang asong yan para makapasok ka na."
"Ha..?"
"Bingi...-_-" Akin na. Ako na muna ang magbabantay sa kanya. Wala na kasi akong gagawin eh."
"Ikaw lang yata ang kilala kong member ng council na hindi busy noh..? Grabe ka. Pero....^_^ Salamat ha!" Kinuha ko si Bam-Bam sa bag at ibinigay kay Hiro,"Heto nga pala si Bam-Bam. Salamat talaga, Hiro! ^_^"
"Tama na nga yan. Pumasok ka na. Mamayang dismissal na lang tayo magkita."
Ngumiti ulit ako at kumaripas ng takbo.
Buti nalang at sa pagdating ko sa classroom ay wala pa si miss. Pero makalipas ng 3 seconds, nakaapak na sa floor ng section 2-B ang mga paa ng terror naming teacher.
.................................................................................................................................................................................................
5 pm, dismissal na din sa wakas. At dali-dali akong lumabas ng school, ni hindi na nga siguro nakapagpaalam kay Dealan sa sobrang pagmamadali ko.
Paglabas ko sa gate ay nakita ko si Hiro na masayang-masayang nakikipaglaro kay Bam-Bam. At bakas naman sa mukha ng aso na ganun din siya kay Hiro.
Hmmmm.....parang mag-ama ang dalawang 'to kung tutuosin.
Napangiti lang ako sa tabi.
"Oi, Miss Tyokolate."
Urgh! Pero kahit ganun...nakakainis pa rin si Hiro! Bakit ba niya kasi akong tinatawag na miss tyokolate? Kainis talaga siya!
"Akin na si Bam-Bam. Uuwi na kami." Sabi ko sa kanya.
"Pilitin mo ko. =D"
"Hay...nakakainis ka talaga!" tinignan ko siya ng mata sa mata.
"Talaga lang ha?"
"OO. Sobra."
"Ang suplada mo talaga noh? Oh, sayo na siya." at ibinigay niya si Bam-Bam sa akin.
"Alam mo mister vise president, kung gusto mong maging friends tayo, maging mabait ka. Okay?"
"Sayo...? Haha...ayoko nga. Ang sarap mo kayang asarin noh! Hahahah."
"Puwes ako, hindi nasasarapan sa mga biro mo." Tinignan ko siya ulit sa mata ng mabilis," Hmp! Diyan ka na nga!"
"Sandali."
Hmm...? Bakit kaya ako pinigilan ng lalaking 'to? Ano naman kaya yung tripping niya sakin?
"Pwede bang huwag mo akong tignan ng mata sa mata. Baka isipin ko pang may gusto ka sakin eh. Mahirap na. Seryoso pa naman ako doon." ^_^
"A-----Ano?! Haha! WOW! Ang kapal mo ha,...? Try mong magpa-derma para mabawasbawasan yang kapal ng mukha mo. Hmp!"
At umalis na talaga ako ng totoo sa scene na 'to!
Nakakainissssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssss!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
................................................................................................................................................................................................
Hindi pa nga ako nakakalampas sa gate ng bahay, nakita kong umiiyak habang tumatakbo so si Chichi. Ang nakakabata kong kapatid.
"Chi, anong nangyari..?"
"Ate, Sam. Si Pepe nawawala...kanina ko pa siya hinahanap eh."
"Ano...?!"
And here....may nawawala na naman. Si Pepe...ang kuya ni Bam-Bam.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento