Martes, Enero 15, 2013
Prince and I: Chapter 1
Diary 1
Buong araw na akong nasa harapan ng computer pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong maisip na gawin. I mean, wala pa ring pumapasok sa isip kong mga ideas na pwedeng isulat.
Well, hindi naman talaga ako writer in profession... assuming lang talaga ako.
Writing was only my hobby...and I never imagined it as a profession. Siguro kapag babayaran nila ako sa mga ginagawa ko edi okay. Huwag na huwag lang nila akong pipiliting magsulat ng mga gusto nilang bagay. Kung magkaganun man, edi sila nalang yung magsulat! Hmmp! Nakakainis talaga ang mga ganung tao.
Ang araw na ito ay pangkaraniwan lang sa akin.
Gumising ako ng 6 am. Naligo ng 15 minutes. Kumain ng agahan. Ininis ng nakababatang kapatid (nagiging routine na talaga ito ng kaptid ko). Nagbihis ng uniform. Humingi ng baon kay mama. Nagpaalam sa kanila. At umalis na papuntang school na nasa harap lang ng bahay namin.
Ang swerte ko talaga. Hindi ko na kasi kailangang gumastos para lang sa pamasahe. Hahaha...instead, iniipon ko nalang yung mga excess money ko sa aking piggy bank na gawa sa ceramics. Para naman hindi ko na talaga makupitan kung baboy ko. Hehe...minsan kasi ang mga timtasyon sa buhay...hndi talaga natin mapigilan.
Tama naman ako diba?
Then, pagkapasok ko sa klase, tulad pa rin ng dati.
Maiingay yung mga kaklase ko. Pinag-uusapan na naman kasi nila yung trending sa twitter, pati na rin sa kumakalat na picture ng isang gwapong lalake sa fb, at yung mga kwento na binabasa nila sa wattpad.
Hay...pangarap ko talagang makapagsulat sa website na 'to. Kaya lang masyado kasi busy sa school at sa bahay na parang ginagawa ka ng maid ng pamilya mo. Palibhasa...ampon lang kasi ako. Bakit ba kasi ako iniwan ng mga tunay kong magulang sa gate ng bahay ng pamilya ko ngayon? Mayaman nga, masusungit naman. Tuloy, mukha na akong si Ciderella sa story na 'to.
Pero wala naman akong magagawa eh. Ito ang buhay na ibinigay sa akin kaya, pasasalamatan ko nalang. At least di ako kabilang sa mga fetus na iniiwan lang sa mga basurahan ng mga walang hiyang magulang nila.
Thank you Lord for my life! ♥
Here, nakarating na si miss. Late na ata siya ng 10 minutes sa klase. Hmmm...bakit kaya ganun noh? Kapag late yung mga students, pinapagalitan at nabibigyan pa ng violations. Eh yung mga teachers kaya? Parang Balewala lang. kung tutuosin kasi, magkasabwat lang ang lahat ng mga staffs sa pagtatago sa kasalanan ng co-worker nila.
Yung tipong malelate yng kasama tapos itetext lang yung nakarating na sa school at sasabihing, "Friend? Nasa school ka na ba? Pwedeng ikaw na yung magswipe ng attendance card ko? Thanks ha! heheh...libre kita mamaya."
Ganun. Paranag ganun lang talaga ang buhay nila. Pero hindi naman siguro lahat ganun.
May kilala kasi ako. Si Miss Leah. Palagi siyang nag-o-over time sa school tapos siya ang palaging pinakamaaga sa lahat ng staff na dumarating sa school. Maliban nalang siguro sa security guard naming si Kuya Rolly. Napapaisip tuloy ako minsan, umuuwi pa ba 'tong si Miss? Parang hindi eh. Ah. Bahala na. Buhay niya naman yun eh. So, ba't pa ako mangingi-alam?
Patuloy pa rin sa klase ang teacher namin sa Science.
Okay naman ang lahat sa klase ng bigla kong napansin na tumigil si miss sa pagsasalita. Ganun din ang mga kaklase ko sa pagtsitsismis. Lumingon silang lahat sa direction ko.
Ha? Teka...ano bang nagawa ko? Ba't lahat sila nakatitig sakin? May dumi ba yung mukha ko? Nakatulog ba ako sa klase ng di ko nalalaman? O may muta pa ako sa mata? Ano? Ano?
Sa sobrang kaba ko ay halos hindi na ako makagalaw sa upuan ko. Then, papalapit na si miss sa akin.
Huh? Ba't lumampas siya sa akin?
Hay...salamat...di pala ako yung problema.
Paglingon ko sa aking likuran, doon ko nakita si miss na galit na nakatayo sa harapan ni Dealan na tulog na naman.
Hay...di na ako magugulat sa lalaking 'to. Palagi naman kasi siyang tulog kapag 1st period eh. At malamang dahil na naman 'to sa bisyo ng mga lalake: computer games, tulat ng DOTA, Rohan, LOL, Grand Chase, at iba pa.
Ng nagising na siya, pinagalitan siya kaagad ng teacher namin at yung mga kaklase ko naman ay nagsitawanan lang.
Siguro nga dapat lang sa kanya yun pero...minsan, kung palagi nang ganito ang nangyayari, nakakasawa na. Nakakaawa na siya.
Hmm...siguro sa susunod, gigisingin ko nalang siya habang di pa siya nakikita ni miss.
Pagkatapos ng klase...sumunod na naman ang isa pang nakakaboring na klase: ang math. At sunod-sunod na ang iba, kasama na doon ang mga recess: favorite subject ng lahat, at saka lunch break.
Pagkarating ng 5 pm, uwian na naman.
As usual, nilakad ko lang papauwi. Pagdating sa bahay, punta agad ako sa kwarto, nagbihis, at naghanda sa mga pwede nilang iutos sa akin. tulad ng pagwawalis sa buong bahay, paghahanda ng hapunan, pagpapakain sa anim na aso, paglalaba at iba pa.
Hay....maid na talaga ang peg ko, oh.
Pagkatapos ng lahat ng iyon, 9 pm, natutulog na silang lahat. At sa oras ko lang na 'to magagawa ang homeworks at projects ko. Kasama na din doon ang pagsusulat ko ng mga kwento.
12:30 pm, kakatapos ko palang sa isang short story ko. Title: Just like a Dream.
I don't know kung magugustuhan nila ito, pero ipapabasa ko nalang 'to sa mga friends ko bukas. Yun ay kung...interesado sila.
So, dito na muna nagtatapos ang araw na ito.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento